What’s your message to Calvin Abueva?

Tab Baldwin and Calvin Abueva

“Abueva” was one of the trending topics on twitter the day Gilas Pilipinas Final 12 was announced not because he was included in the line-up but his exclusion was a shock to many basketball fans.

I know we all think that we need The Beast Calvin Abueva in Gilas Pilipinas for the FIBA Olympic Qualifying Tournament but we must support the decision of Coach Tab Baldwin and the Coaching Staff to put him in the reserve list.

I am sure it was a very difficult decision by the Coaching Staff but it is time to move on and give our all out support to Gilas Pilipinas!

Calvin The Beast Abueva

calvin-abueva-fouled

What’s your message to Calvin Abueva? Please post in the comments section below

38 Responses to What’s your message to Calvin Abueva?

  1. Vryce Harvie John Manzano says:

    Idol Calvin,
    Halos buong Pilipinas nalungkot at nagalit sa pagkaalis mo sa final line up. Alam namin na ikaw ang tunay na PUSO ng Gilas. Pero deserve mo din ng pahinga. Tingin ko isa din yun sa dahilan ng Coaching Staff. At yun na lang din ang iniisip naming mga Fans mo.
    Alam kong hindi pa ito ang huling pagkakataon na iwawagayaay mo ang bandila ng Pilipinas!
    Mabuhay ka Idol!

  2. eliloj says:

    you have proven yourself in the amateurs, proven yourself in the pba, proven yourself in asia…..but most of all you have made known to all of the people who believes in you that you are not only an A1 athlete but a true gentleman also. You may be called the BEAST but deep inside what matters in your heart is your country. LABAN PILIPINAS….PUSO

  3. Jricho Villanueva says:

    Bilang panatiko ng Ginebra, totoo, aaminin ko, asar ako sa iyo kada laro na kalaban ka namin. Yung mga padila-dila mo, pasigaw-sigaw, at kung ano-ano pang antics, nakakauyam panoorin. Pero nang maglaro ka para sa bansa (sa panahong marami ang umayaw), nagpakitang-gilas sa naglalakihang kalaban, nagpakawala ng halimaw na nasa loob mo, at nakipagsikuhan noong Championship game kontra China at walang takot na nakipagsigawan sa courtside sa kanilang fans (na hindi inisip kung ano ang maaaring mangyari matapos noon), sadyang ipinamalas mo ang tunay na kahulugan ng PUSO. Okay lang yan, brod! Hindi lang sa amin sa barangay ang nakuha mong respeto, bagkus pati sa buong bansa.

  4. Emman Borja says:

    Idol sobrang lungkot ko nung hindi ka nakasali sa final 12. Pero mukhang may plano si lord sayo na mas maganda. Bawi nalang sa pba idol calvin. Sana Makuha mo na yung 2nd championship mo bilang alaska aces. kunin mo ren ang mvp idol, pati ang back to back best player of the conference! Solid calvin abueva fan! Aantayin ko pagbalik mo sa pba idol. Goodluck the beast!! #CalvinAbueva #GatasRepublik #TheBeast

  5. Mrericx says:

    Dear calvin please go to eitther cavs or GSW on NBA next year. 😀

  6. bongsky says:

    magaling si calvin kya lng undersize sya s position nya.. siguro ang advice ko kay calvin.. dapat magkaron sya ng outside shooting lalo n s 3pts.. pag nangyari yon tyak idodominate ni calvin ang laro kc mgiging complete player n sya offense at defense..

  7. Dong na kapitbahay mo says:

    The coaching staff may know better but on my personal opinion, Calvin is better than reyes. If we would base on their stats per game, Calvin is better.
    Calvin’s energy in games is better than anyone and he can defend fast opponent and even bigger ones. I think the previous Line up of Gilas is way better.

  8. John Mardi Guevarra says:

    idol wag na natin isipin yung nangyare… pahinga ka muna please…relax and enjoy with your family…parang halos 2 yrs. ka den lumaban para sa bayan. sayo talaga yung basketball never stops. biruin mo imbis na isipin mo yung panahon mo sa family mo mas pinili mo yung paglaban para sa bayan. pahinga ka muna idol please. aabangan ko na lang ang muling pagbabalik mo sa susunod na conference. nakita ko ngayon ang soft beast na mas mahal ko. masakit para saken ang desisyon nila pero mas masakit yun sayo. idol huling request ko PAHINGA ka ha di ka kasi napapagod! pero parang isang iglap bigla kang binagsakan ng pagod….kaya aabangan ko sa susunod na conference ang well-rested Calvin “The Beast” Abueva. kasama mo hindi lang ako at buong gatas republik…. SALAMAT IDOL!

  9. REDENTOR N. VIDAL says:

    marami pang pagkakataon na darating para syo. kasi u have the heart to play more than their expectations. God bless. See u next FIBA

  10. Roostella says:

    Idol. Hindi ka man nakasama sa final 12 marami pa rin ang naniniwala at sumosuporta sayo. Mas lalu pang dumami ang taga hangga mo dahil sa attitude mo sa court. Ung passion, determination at dedication mo ang pinaka biliban ko sayo. Kaya maraming nagulat sa result ng final 12. Marami pang darating para sayo. Na reject ka man ngayon maging motivation sana ito para mag improve ka pa. Magaling ka, mahusay ka pero siguro hindi pa ito ang tamang panahon. Patunayan mo na lang sa kanila na mali sila, basta ipagpatuloy mo lang ang laro. Laban lang. At tulad ng sinabi mo sa patalastas mo. Ilang beses ka man ma fail wag kang sumuko. Maraming naniniwala at nagmamahal sayo. Puso lang Idol.#HeartOfTheBeast

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *