Kampanya ng Gilas sa FIBA OQT, maagang natapos
Malungkot ang naging pagtatapos ng kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA Olympic Qualifying Tournament.
Sa pangalawang pagkakataon, bigo itong makapanalo kontra naman sa Tall Blacks ng bansang New Zealand.
Dikit pa ang laban sa unang yugto. Sunud-sunod din ang naipapasok sa tres ni Jeff Chan. Isinabak na rin ni Coach Tab Baldwin si Japeth Aguilar na hindi pinaglaro kontra France dahil mas kailangan umano ang opensa nina Ranidel de Ocampo at Troy Rosario.
Kumamada naman si Jayson Castro sa second quarter lalo pa’t hirap maka-opensa si Andray Blatche dahil na rin sa mahigpit na depensa sa kanya ng Tall Blacks. Kapansin-pansin din ang pag-aalinlangan ng Gilas na tumira kaya’t nauubusan ng oras sa pag-ikot ng bola.
Nagtapos ang first half sa iskor na 38-31, pabor sa New Zealand.
Umabot na sa labing tatlo ang lamang ng Tall Blacks pagdating ng third quarter sa pangunguna na rin nina Corey at Tai Webster. Hirap din ang Gilas na makontrol ang rebounding na nagreresulta sa second chance points ng kalaban.
Pagdating ng fourth quarter, sumasalaksak na si Blatche sa ilalim at naibaba pa sa dalawa ang kalamangan ng NZL 62-60. Gayunman, muli itong lumobo at hindi na naibaba pa sa siyam.
Sa huli, nanalo ang New Zealand kontraas sa iskor na 89-80.
Pinangunahan ni Blatche ang Pilipinas at nakagawa ng tatlumpung puntos na dinagdagan naman ng labing tatlong puntos ni Castro.
Isinulat ni Judy Ann Amaca, isang news writer ng IBC 13 at isang basketball fan.
The document written below is part of the Beta Stage development of this website’s articles written in the Filipino language. Your comments are most welcome.
Related posts:
No related posts.
Leave a Reply