Gilas, bigong masungkit ang unang panalo kontra France

andray-blatche

Matinding depensa ang ipinakita ng Rank 28 na Gilas Pilipinas kontra sa fifth rank na koponan ng Les Bleus ng bansang France ngunit bigo pa ring masungkit ang unang panalo para makuha ang nag-iisang puwesto sa Manila qualifiers patungo sa 2016 Rio Olympics.

Nanood ng laban si Pangulong Rodrigo Duterte na siya pang nag-ceremonial toss.

president-duterte-gilas-france

Umpisa pa lang nakaagaw na si Gilas naturalized player Andray Blatche na bumuhay sa libo-libong Pilipinong dumayo sa MOA Arena para saksikhan ang laban.

Nagpalitan ng puntos sina Blatche at Tony Parker. Nakipagsayawan rin si Terrence Romeo sa mga malalaking manlalaro ng France. Umabot pa sa sampung puntos ang lamang ng Gilas ngunit naibaba sa walo ng Les Bleus sa pagtatapos ng unang yugto, 30-22.

Pagdating ng pangalawang yugto, humigpit na ang depensa ng France na pinangunahan ni Nando de Colo. Hindi naman nagpaiwan ang Gilas sa tulong na rin ni Jayson Castro. Gayunman, hindi na nakapuntos si Blatche sa buong second quarter matapos makagawa ng labing-apat na puntos sa first quarter.

terrence-romeo-vs-france

Lumamang na ng apat ang France sa huling minuto ng second quarter pero naipasok ni Romeo ang buzzer beater two para maibaba ito sa dalawa, 45-43.

Sa pagpasok ng ikatlong yugto, nagpalitan ng tres ang dalawang koponan. Lumobo na rin ang kalamangan ng France at umabot sa labing tatlong puntos ang pinakamalaki. Nagtapos ang third quarter sa iskor na 77-66.

Uminit naman ang shooting ni Romeo sa fourth quarter na ikinatuwa ng Gilas supporters sa Arena lalo na nang maibaba sa apat ang kalamangan.

bobby-ray-parks-vs-france

Ngunit hindi nagpatinag ang France at tuloy-tuloy ang magandang opensa para muling umabot sa dose puntos ang lamang. Sa huli, naipanalo ng Les Bleus ang laban, 93-84.

Sunod na makakaharap ng Gilas ang koponan ng New Zealand ngayong gabi.

Isinulat ni Judy Ann Amaca, isang news writer ng IBC 13 at isang basketball fan.

The document written below is part of the Beta Stage development of this website’s articles written in the Filipino language. Your comments are most welcome.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *