France, pasok na sa Rio Olympics matapos talunin ang Canada sa Manila FIBA OQT
Pasok na sa 2016 Rio Olympics ang koponan ng bansang France matapos matalo ang Canada sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa MOA Arena.
Tulad ng inaasahan, dikit na dikit ang laban sa pagsisimula ng laro. Pinangunahan ni Euroleague MVP Nando de Colo ang France sa simula habang si Cory Joseph naman ang nagdala sa Canada.
Bahagyang bumagal ang scoring sa pangalawang quarter dahil sa depensahan ng dalawang koponan. Kaya naman siyam na puntos na lang ang nadagdag ng France sa 30 points nito sa unang quarter, habang labing isang puntos naman ang ginawa ng Canada para umabot sa 39-36 ang halftime score, pabor sa Les Bleus.
Pagdating ng third quarter, umabot na sa sampung puntos ang kalamangan ng France. Naibaba ito sa lima sa pagtatapos ng ikatlong yugto, 56-51.
Pinangunahan naman ni Tony Parker ang France pagdating ng fourth quarter. Naipasok pa niya dalawang tres para mapanatili ang kanilang lamang.
Nagkainitan din sina Tristan Thompson at De Colo sa huling minuto ng laban kaya natawagan pa ng unsportsmanlike foul ang Cleveland Cavaliers Center/Power Forward.
Sa huli, tagumpay ang France na masungkit ang kaisa-isang slot sa Manila Qualifiers para makapaglaro sa Olympics sa iskor na 83-74. at itinanghal ring Tournament MVP si Nando de Colo.
Magtatagpo-tagpo sila sa Olympics Men’s Basketball ng koponan ng mga bansang USA, Spain, China, Australia, Venezuela, Nigeria, Argentina, Lithuania, Brazil at ang mga bansang Serbia at Croatia na kakapanalo lamang din sa OQT sa Belgrade at Turin.
Isinulat ni Judy Ann Amaca, isang news writer ng IBC 13 at isang basketball fan.
The document written below is part of the Beta Stage development of this website’s articles written in the Filipino language. Your comments are most welcome.
Related posts:
No related posts.
Leave a Reply