Gilas kinapos sa laro laban sa Turkey
The document written below is part of the Beta Stage development of this website’s articles written in the Filipino language. Your comments are most welcome.
Kinapos ang Gilas Pilipinas sa pangalawang paghaharap nila ng koponan ng bansang Turkey bilang paghahanda sa FIBA Olympic Qualifiers.
Hindi tulad ng unang tune-up game, kung saan natambakan ng tatlumpu’t limang puntos ang Gilas, mas magandang depensa ang ipinamalas ng ating national team sa pagkakataong ito, para maibaba sa walong puntos ang lamang sa pagtatapos ng laban, 84-76.
Pamilyar na ang simula ng laro ng Turkey, na agad natapatan ng Gilas ng kanilang triple switch. Dahil sa back-to-back threes nina Asia’s best point guard Jayson Castro at naturalized player Andray Blatche, nakapagbaon pa ng isang puntos na kalamangan ang Gilas sa pagtatapos ng unang quarter, 20 to 19.
Pagdating ng second quarter, hindi na mapigilan ang opensa ng Turkey at nakagawa ng 16-0 run hanggang third quarter para lumamang ng labimpitong puntos.
Hindi naman nagpatinag ang Gilas at nakagawa rin ng 20-8 run para maibaba sa lima ang kalamangan.
Kinabahan din ang Gilas, pati na ang lahat ng sumusuporta sa national team, nang iika-ikang naglakad si Blatche ilang minuto bago matapos ang fourth quarter.
Gayunman, tuloy pa rin ang opensa ng Gilas, na pinangunahan ni Terrence Romeo, na syang pumukol ng walong puntos na hindi nasagot ng Turkey.
Bagamat bigo pa ring manalo sa ikalawang practice game, kumpiyansa ang Gilas Pilipinas na mas magandang laban na ang kanilang naipakita.
Pinangunahan ni Ali Muhammed ang Turks sa kanyang 16 points, ngunit ang mga clutch baskets nina Samet Geyik at Melih Mahmutoglu ang nagsiguro ng panalo para sa kanilang koponan.
Dalawampung puntos naman ang nagawa ni Blatche, na dinagdagan pa ng 13 points ni Castro, at 10 points ni Gabe Norwood.
Isinulat ni Judy Ann Amaca, isang news writer ng IBC 13 at isang basketball fan.
Leave a Reply